Napakasaya ko nitong araw dahil nga wala kaming pasok at kung iisipin, simula palang ito nang napakahabang break namin sa school. 15,16,17,18,19,20,21 walang pasok! Ang saya!
Nagising ako alas dose na ng hapon dahil kagabi pinanuod ko ang aking paboritong american show sa aking netbook hanggang 3 na nang umaga. Ito ay ang HOW I MET YOUR MOTHER na kinabibilangan nina Alysson hannigan, Jason Segel, Neil Patrick Harris, Cobie Smulders at Josh Radnor. Hooked na hooked talaga ako sa show na ito at dahil diyan, pgkagising ko ay nanuod na naman ako habang kumakain ng "brunch".
Pagkatapos kong manuod ay nagsimula na akong mg prepare papuntang school. Subalit, hindi talaga ako pumunta ng school dahil sa hardhat ako tumuloy. Ang hardhat ay isang internet cafe sa tabi ng school. Dito ako nagpapalipas ng oras habang hinihintay ko si Kurt, ang aking boyfriend galing sa kanyang soccer practice. Habang hinihintay ko si Kurt nanood ako ng naruto shippuden. Nasa episode 260 na ako. Alam kong hindi halata pero mahilig din ako sa anime. Iilan lamang sa mga paborito kong anime ay ang naruto, bleach,code geass at deathnote.
Pagkarating ni Kurt ay pumunta agad kami sa Gmall para lang kumain ng KFC chicken Burger. Ang burger ng kfc ang isa sa mga pinakamasarap na burger na natikman ko. 29 pesos lang ito kaya hindi masyado mabigat sa bulsa. umabalik balik kami dito ni kurt para lang umorder ng tag dadalawang burger. Mura na, masarap pa!



No comments:
Post a Comment