Kadayawan Festival ngayon sa Davao at kasama kong namasyal sa bayan si Kurt. Una ay pumunta kami sa Gmall dahil maraming sale! Namili na naman ako ng tshirts sa artwork!
Pagkatapos kong mamili ay naghanap kami ni Kurt na mabibilhan ng durian! Talaga namang ng crave ako sa durian. Galing Bajada ay naglakad kaming papunta Uyanguren. Wala parin kaming nakikitang durian vendor. Habang nakatunganga sa Uyanguren ay naisipan kong pumunta na lamang sa San Pedro. Sumakay kami ng jeep at nang makarating sa San Pedro ay nagsimula agad kaming maghanap ng durian. Talaga namang sinusubukan ako ni Lord. Hindi parin kami nakakita nang durian, kahit umikot na kami sa rizal park, hanggang osmeƱa park pgkatapos sa magallanes ay wala parin! Pero hindi parin ako sumuko, patuloy kaming naghanap at di naglaon ay nakakita na rin kami! Sa wakas! Bumili kami ng durian na 2 kilos at ang uri nito ay Puyat. Ang sarap talaga pagmakuha mo na ang iyong pinagpaguran!
.jpg)
.jpg)
.jpg)

.jpg)


